NAGA CITY – Limang libo katao ang inasahang masusugatan kung sakaling tumama ang malakas na lindol sa Naga City partikular na 6.0 Magnitude sa mga oras na alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.
Ito ang sinabi ni City Disaster Risk Reduction and Management Officer Erning Elcamil, sa nagdaangDisaster Risk Reduction Management Training for Media Practitioners.
Paliwanag nito, bukod sa siksikan ay may mga luma nang mga establishments marami rin ang mga negosyante, mamimili, at iba pang mga may transaksyon sa lungsod. Kaya hindi napapatid ang kanilang pag inspection sa mga gusali at pagpaplano sa puwedeng mangyari. Hindi aniya ito pagbibigay ng alarma kundi pagbibigay ng kaalaman upang maiwasan na may masawi.
Sa Hunyo 8, 2023 muling gaganapin ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill. Kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Office of the Civil Defense (OCD)-Bicol Spokesperson Gramil Naz na sasabay rin ang OCD at mga LGU sa aktibidad sa kani-kanilang venue.