Barangay Banicain, Olongapo pinaiigting ang pagpapatupad ng ecological waste management sa lugar

Pinaiigting ng Barangay Banicain sa Olongapo ang pagpapatupad ng ecological waste management sa lugar.

Bukod sa paglalagay ng mga trash bins at Material Recovery Facility sa mga purok sa ay naglalagay na din ng mga karatula para paalalahan ang mga residente sa tamang pagtatapon ng basura.

Read More:  Hard-to-reach Aklan village gets health, education support

Nitong nakalipas na araw ay sinimulan na ng barangay ang pagkakabit para magbigay gabay sa mga mamamayan sa tamang araw at oras ng pagtatapon ng basura.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Liban pa dito ay may mga opisyal din na nagmomonitor kung nasaayos ba ang mga basurang itinatapon ng mga residente.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO