Barangay ambulance ng Bistrict 2, Cauayan City; ginagamit na sa anumang emergency cases

Ginagamit na ng Barangay District 2, Cauayan City, Isabela ang kanilang barangay ambulance sa anumang klase ng emergency cases na nararanasan ng  kanilang mga residente.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Brgy. Captain Miko Delmendo, dahil umano sa pagdami ng kaso ng COVID-19 sa lungsod at pagiging abala ng mga ambulansya na tumutugon sa mga COVI-19 patients ay kanilang napagdesisyunan na magkaroon ng sariling ambulansya ang kanilang barangay.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ito aniya ay upang agarang matugunan ang mga COVID-19 patients o emergency cases na nangangailangan ng serbisyo ng ambulansya bilang transportasyon patungong hospital.

Tiniyak naman ni Kap. Delmendo na kumpleto ang kagamitan ng kanilang ambulansya tulad na lamang ng first aid kits.

Bukod sa 2 nurse at midwife ng kanilang barangay ay sinasanay din aniya ng Rescue 922 ang lahat ng barangay officials maging ang mga staffs sa pagsasagawa ng first aid.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Dagdag pa ng opisyal, maliban sa ambulansya ay mayroon ding dalawang medicab bilang first aid responder ang kanilang barangay.

Pinapahintulutan din aniya na hiramin ng ibang barangay sa lunsod ang kanilang ambulansya kapag kinakailangan.

Samantala, maari naman tawagan ang barangay hotline number o 0975-490-6247 para sa mga residenteng mayroong emergency cases, magpapacheck-up sa hospital o subject for swab test upang agarang matugunan ito.

Photo/Brgy.Distrito dos