Mayor Guo, nagpaabot ng ‘letter of apology’ sa Senado

Ibinahagi ni Senate President Chiz Escudero sa media na nagsumite sa kanyang opisina si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng isang apology letter kasunod sa naging pahayag nito sa kanyang huling post.

Matatandaan, nanawagan si Guo sa huli niyang post sa awtoridad na itigil na ang pagpokus sa kanya at unahin na lang ang iba’t ibang problemang kinahaharap ng bansa tulad ng national security, kahirapan at unemployment.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Kasunod nito, sinabi sa nakaraang press conference ni Escudero na walang karapatan si Guo na sabihan ang mga mambabatas kung ano ang dapat nilang gawing prayoridad at hindi.

Dahil dito, sa naging apology letter ni Guo ay humingi siya ng paumanhin sa di umano’y hindi pagkakaunawaan na nabuo mula sa kanyang post.

Read More:  Sen. Imee Marcos questions Ombudsman’s failure to suspend NBI Director Matibag

Paglilinaw ni Guo, ang nais lang niya ay magbigay ng suhestiyon at wala siyang intensyon na pagsabihan o diktahan ang senado tungkol dito.

Samantala, tiniyak naman ni Guo na handa naman siyang harapin ang iba’t ibang kasong isinampa laban sa kanya ng mga tanggapan ng gobyerno.