Banta ng ASF sa Sagñay, Camarines Sur, bumaba na

CAMARINES SUR — Bumaba na ang treat level o ang posibilidad ng pagpasok ng african swine fever (ASF) sa bayan ng Sagñay sa Partido Area, kasunod ng pagkakatigil na rin ng paglaganap ng naturang virus sa ilang kalapit ng barangay sa Tiwi, Albay.

Read More:  Residents complain of foul odor from mango company in Malandag

Ayon kay Mayor Jovi Fuentebella, bagaman bumaba na ang banta , bilang pag-iingat, kailangan pa rin ng certificate to transport/origin ng lahat ng ipapasok na baboy, at subject pa rin ito for inspection. Paglilinaw pa ng alkalde, hindi nakapasok ang ASF sa kanilang bayan, bunsod na rin ng isinagawang dobleng pag-iingat.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Sa kabila nito, pinaalalahanan pa rin ng opisyal ang lahat ng hog grower sa Sagñay na kung may namatay na baboy o kaya naman nanghihina, ay huwag mag-atubiling ipagbigay-alam sa Municipal Agriculture Office (MAO) upang ma-test kung infected ng ASF o kung may banta ng anumang sakit.