Bangkay ng Pinay Nurse na nasawi sa Israel, darating na rin bukas

Inaasikaso na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ang paglalagakan ng labi ng Pinay Nurse na nasawi sa Israel na inaasahang mai-uuwi na bukas.

Katuwang ng OWWA ang pamilya ng biktimang si Angeline Aguirre para sa pagsasaayos ng magiging burol nito.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, inihahanda ang tulong na ipaabot para sa mga naiwang mahal sa buhay ni Aguirre na kung maalala mas piniling manatili sa matanda nitong pasyente sa Israel kaysa ang umuwi habang may kaguluhan doon sa pagitan ng grupong Hamas.

Bukod sa labi ng naturang Nurse, iuuwi na rin ang bangkay ni Grace Prodigo Cabrera sa Linggo, Nobyembre 5 na isa rin sa biktima ng giyera sa middle east bagaman di pa kinukumpirama ng DFA kung anong oras darating ng bansa ang labi ng nasabing biktima.

Read More:  Sen. Imee Marcos questions Ombudsman’s failure to suspend NBI Director Matibag

Kung maaalala, ilan din sa pinangalanang nasawi sa kaguluhan sa pagitan ng pagitan ng Israel at Hamas sina Loreta Alacre at Paul Vincent Castelvi.