Mahigit 100 Pinoy, gusto nang makatawid ng Rafah border sa Egypt ayon sa DFA

Umabot na sa mahigit isang daan ang bilang ng mga Pilipino na naiipit sa kaguluhan sa Gaza ang humiling na mailikas sa lugar.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Undersecretary Eduardo De Vega ng Department Foreign Affairs (DFA), mas madami na ngayon ang mga nagnanais lumabas kumpara noong una na sila ang namimilit dahil sa tumitingding kaguluhan sa middle east.

Ayon kay De Vega, inuuna ngayong patawirin sa Rafah border sa Egypt ang may mga health concern matapos tuluyan ng buksan kung saan nakahanda naman na ang mga dokumento ng mga ito.

Una rito, nakatawid na ang dalawang Pilipinong Doktor bagamat hindi para umuwi ng bansa kung hindi malipat ng assignment habang may nasa 19 naman ang ayaw pang umalis ng Gaza sa gitna ng kaguluhan doon.

Samantala, kinumpirma rin ni de Vega na anim na mga Pilipino mula sa Lebanon ang nakatakda nang makabalik ng bansa bukas, araw ng Biyernes.

Mayroon ding 45 mula sa Israel ang darating sa bansa sa araw ng Lunes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *