Bangkay ng lalaki, natagpuan sa sapa sa Talisay, Batangas

Natagpuan ang isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki malapit sa creek o sapa sa may Brgy. Leynes, Talisay, Batangas.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Talisay Municipal Police Station, nakasuot ito ng Louis Tourist t-shirt, black Unifie shorts, blue VLTN brief at white Flight shoes.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Tila kalunos-lunos naman ang sinapit nito dahil nakaposas siya habang hawak ang susi ng handcuff.

Base pa sa imbestigasyon at obserbasyon, may mga sugat sa ulo at baba ang nasabing lalaki.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa insidente at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng naturang lalaki.