Bangkay ng isang babae natagpuang naka silid sa sako sa Pamplona, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Naaagnas at mabahong bangkay ang tumambad sa isang residente ng Pamplona, Camarines Sur.

Natagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang babae sa Zone 9, Barangay Poblacion pasado alas tres ng hapon nitong Biyernes Hunyo 7, 2024.

Ayon sa inisyal na ulat ng PNP Pamplona, susunugin na ang dayami sa palayan pero may naamoy kaya tiningnan muna, doon na nabigla dahil bangkay ng tao pala na nasa sako.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

May pumunta sa PNP upang kilalanin ang bangkay pero hindi matiyak ng pulisya ang pagkakakilanlan dahil naaagnas na, kailangan ipa DNA test upang nakatiyak. Suot nito ang maong pants at itim na damit.

Tuloy-tuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang biktima at ang responsable sa krimen.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu