Nakita na ang bangka ng mangingisda na si Satorneno “Junjun” Yosalina na mula sa Barangay bagong Sikat sa Puerto Princesa City.
Ang bangka nito na may pangalang “Savanah” ay natagpuan sa tinatayang limampung milya ang layo mula sa Puerto Princesa noong araw ng Linggo, July 28 bandang alas-sais ng umaga.
Nakita umano ang bangka nito ng mga mangingisda mula rin sa Barangay Bagong Sikat.
Hinala ng mga kaanak, hinampas ng malaking alon ang bangka ni Junjun at kinailangan nitong lumipat ng ibang bangka para makaligtas, kaya positibo sila na buhay pa ito.
Mababatid na naglayag ang 41-anyos na padre de pamilya mula noong July 18, 2024 ngunit makalipas ang 11 araw ay hindi pa ito nakakauwi.