Bamban Mayor Guo itinangging may koneksyon siya sa POGO

Itinanggi ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na may kaugnayan siya sa Philippine Offshore Gaming Operators

Kasalukuyang iniimbestigahan si Guo dahil sa kuwestiyonable niyang citizenship, na mas naging kontrobersiyal pa dahil sa mga alegasyong may papel ang POGO sa pagkapanalo niya sa 2022 elections.

Giit ni Guo nagmula ang perang ginamit niya sa pangangampanya sa kanyang pamilya at mga kaibigan mula sa hog raising industry at hindi sa POGO o sa anumang iligal na aktibidad.

Mababatid na nauugnay si Guo sa POGO matapos ang isinagawang pagsalakay sa isang POGO facility malapit sa municipal hall noong Marso dahil sa umano’y human trafficking at serious human illegal detention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *