Balikatan Exercises 39-2024, aarangkada sa Palawan

Aarangkada ngayong ika 22 ng Abril ang Balikatan Exercises 39-2024 sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga sundalo ng Estados Unidos, na may tinatayang 16,000 sundalo mula sa dalawang bansa ang magsasama-sama para sa pagsasanay.

Ang layunin ng Balikatan ngayong taon ay palakasin ang kolaborasyon at kahandaan sa iba’t ibang aspeto tulad ng external defense operations, cyber defense, counterterrorism, humanitarian assistance and disaster response, at interagency capacity-building.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ang pagsasanay ay binubuo ng Command and Control Exercise (C2X), Field Training Exercise (FTX), at Humanitarian Civic Assistance (HCA).

Dito ay magkakaroon ng air assault operations, at reconnaissance activities.

Magkakaroon din ng deployment at paggamit ng mga cutting-edge military assets tulad ng High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) Rapid Infiltration, Integrated Air and Missile Defense (IAMD), at iba’t ibang unmanned aerial systems.

Isa din sa pangunahing mangyayari ay ang Maritime Strike, na naglalayong pagsamahin ang joint at combined fires, combined joint dynamic targeting, at multi-domain effects sa pamamagitan ng pagpapasabog ng barko ng kalaban.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang mga aktibidad na ito ay sasaklaw sa iba’t ibang lokasyon sa ilalim ng Northern Luzon Command, Western Command, at Southern Luzon Command areas of operation.

Samantala ito na ang ika 39 na beses na gagawing Balikatan Exercises 2024 dito sa Pilipinas nag magtatapus naman sa ika 10 ng buwan Mayo.