Balay Silangan Formation Center sa bayan ng Tinambac, Partido Area, opisyal nang pinasinayaan; PNP patuloy ang panawagan kontra ilegal na droga

CAMARINES SUR – Kasabay ng blessing at inauguration ceremony nitong linggo, opisyal nang binuksan sa bayan ng Tinambac, sa Partido Area ang Balay Silangan Formation Center, isang reformation program ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagbibigay ng pansamantalang rehabilitation center sa mga taong nasangkot sa ilegal na droga upang makapagbagong-buhay.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Ayon kay Police Captain Marlon Lladoc, ang tagapagsalita ng PNP Camarines Sur, layon ng pasilidad na ito na makapagbigay ng reformation sa mga tinatawag nilang biktima rin ng ilegal na droga, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kamalayan upang matuto sila ng ibang trabaho o gawain katuwang ang iba pang ahensya ng gobierno.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Samantala, nagpapatuloy naman ang panawagan at kampanya ng himpilan laban sa ilegal na droga at pagbibigay-diin na kabilang ang partisipasyon ng komunidad sa pagsugpo nito.