Balasahan sa hanay ng mga Election Officer sa Camarines Norte epektibo na simula ngayong araw

CAMARINES NORTE- Magpapatupad ng balasahan sa hanay ng mga Municipal Election Officer sa lalawigan ng Camarines Norte bilang paghahanda sa halalan sa Mayo.

Karamihan  sa mga Election Officer ay nagpalitan lang ng assignment habang isa naman ang lalabas ng probinsiya.

Si Atty. Francis Nieves na Election Officer ng Daet, ang capital town ng Camarines Norte ay itinalagang bagong Election Officer ng Naga City sa Camarines Sur.

Papalitan si Nieves ni Atty. Maria Theresa Dolores na nanggaling sa Virac, Catanduanes.

Si Election Officer III Annelyn Abanes naman na mula sa bayan ng Basud ay malilipat sa bayan ng Talisay.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Papalitan ni Abanes si Election Officer Larievic de Guzman na malilipat naman sa bayan ng Labo.

Ang Election Officer ng Labo na si Virgilio Veras ay mapupunta sa Basud kapalit ni Abanes.

Si Election Officer III Emily Basilonia ng Mercedes ay mapupunta sa Capalonga.

Ang Election Officer naman ng Capalonga na si Farrah Guzman ang papalit kay Basilonia sa Mercedes.

Sa bayan ng Vinzons mapupunta si Election Officer III Juvy Juan kapalit ni Election Officer III Rommel Pajarin.

Si Pajarin naman ang papalit kay Juan sa Jose Panganiban.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Si Election Officer Maria Milagros De Dios ng Paracale ay mapupunta sa San Lorenzo Ruiz.

Papalitan ni De Dios si Diane Criselda Guerrero na siya namang mapupunta sa Paracale.

Habang ang Election Officer ng San Vicente na si Maria Cleofe Lanuza ay mapupunta sa Sta Elena.

Papalitan ni Lanuza si Election Officer Ana Marie Ty na siya namang mapupunta sa San Vicente.

Batay sa Memorandum ni Provincial Election Supervisor Atty. Noriel Badiola, epektibo ang reassignment ng mga Election Officer simula ngayong araw, Enero 19.

Alinsunod naman ito sa Office Order na ipinalabas ni Comelec Chairman Sheriff Abas na may petsang January 11, 2022.