“Bakuna sa botika program” ng DOH-Bicol, pormal nang inilunsad sa lungsod ng Legazpi

BNFM BICOL—Inilunsad kahapon ng Department of Health-Bicol ang“Bakuna sa Botika Program” sa lungsod ng Legazpi.

Pinangunahan ang naturang aktibidad ni DOH-Bicol Vaccine Program Coordinator – Dr. Monrey Mancilla, kasama ang iba pang kawani ng ahensya.

Naging matagumpay ang launching ng nasabing programa sa tulong at pakikipagtulungan ng “Mercury Drugs” partikular ang branch nito na matatagpuan sa Brgy. East Washington Drive ng nasabing lungsod.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Sakanyang pahayag sinabi ni Dr. Moncilla na layunin ng kanilang tanggapan na mapalawak ang vaccination program sa Bicol region, kung saan ang pagsasagawa ng vaccination drive sa mga botika ay magandang hakbang dahil mas malawak umano ang nagiging saklaw nito at mas maraming tao ang mababakunahan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Bukas ang “Bakuna sa Botika “ ng DOH para sa lahat ng mga indibidwal na 18-anyos pataas, hindi pa senior citizen at walang comorbidities o mga pre-existing health conditions.###