Bakuna kontra COVID-19 sa bansang Cuba, 92 percent na epektibo

Inihayag ng BioCubaFarma Laboratory sa bansang Cuba na nasa mahigit 92 percent ang efficacy rate ng kanilang dine-develop na bakuna kontra covid-19.

Ayon sa nasabing manufacturer ng “Abdala covid-19 vaccine”, 92.28 percent ang ipinakita nito na efficacy sa tatlong dose scheme.

Mababatid na nitong nakaraang buwan ay sinumulan na ng nasabing bansa ang immunization program nito gamit ang limang bakuna na ginawa mismo sa bansa kung saan dalawa rito ang hindi pa tapos ang isinasagawang clinical trials.

Nauna na ditong inanusyo ng gobyerno ng Cuba na nasa 62 percent naman na epektibo ang bakunang Soberana 2,  isa sa iba pang three-dose shot na ginagawa sa Cuba.

Samantala, ikinatuwa naman ni Cuban President Miguel Diaz-Canel ang nasabing balita.