NADISKUBRE ng mga siyentipiko kamakailan ang mga bakas ng paa at dinaanan ng mga dinosaurs sa Texas, na pinaniniwalaang nalikha isaang daan at labing tatlong milyon na ang nakakaraan.
Batay sa ulat, ang naturang mga bakas ay natagpuan sa Dinosaur Valley State Park na dating ilog ngunit bunsod ng nararanasang ‘severe drought conditions’ o tagtuyo ay nawalan ng tubig kung kaya’t lumitaw ang mga naturang bakas.
Karamihan sa mga bakas o “dinosaur’s track” ay mula umano sa Acrocanthosaurus – isang uri ng dinosaur na may taas na 15 feet at may bigat na seven tons.
Samantala, natagpuan din sa iba pang bahagi ng natuyong ilog ang pinaniniwalaang bakas naman ng “Sauroposeidon” na may taas na 60 feet at may mahabang leeg.
Batay sa pinakahuling tala, nasa 60% ng Texas ang nakakaranas ng tagtuyot ngunit ayon sa mga eksperto, asahan umanong muling matatabunan at malulubog sa tubig ang naturang mga bakas sa oras na sumapit na ang tag-ulan.### JDR, BNFM BICOL