Bahay sa Sitio Kaganawan, Barangay Salaman tinupok ng sunog sa gitna ng malakas na ulan

SALAMAN, LEBAK- NILAMON ng sunog ang isang bahay pasado alas-08:30 ng gabi sa Sitio Kaganawan, Barangay Salaman bayan ng Lebak.

Ayon kay Public Information Officer Senior Fire Officer Ana Jean Cos ng Bureau of Fire Protection Lebak, naganap itong sunog na gitna ng malakas na buhos ng ulan.

Agad rumesponde ang mga tagapamatay- sunog ngunit sa magkaparehong oras din ay mabilis tinupok ng sunog ang bahay na gawa sa light materials.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa inisyal na impormasyon walang tao sa loob ng bahay nang nangyari ang sunog. Kinalala ang may-ari ng bahay na si Cifriano Noces residente ng nabanggit na lugar at nagkataong naka-admit ito sa hospital.

Idineklara ang sunog na kontrolado na bandang Alas-10 ng gabi at tuluyan itong naapula Alas-10:02 ng gabi Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Lebak sa dahilan ng sunog.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Sa ngayon nasa Php 10,000.00 ang estimated na danyos. Habang inaalam din ng SUKELCO ang dahilan ng sunog katuwang ang BFP Lebak.

Sa huli sinabi ni Cos na ito ang kauna-unahang sunog ang naitala sa buwan ng Fire Prevention Month.