Bahay sa Camarines Sur nasunog nitong Bagong Taon

NAGA CITY – Sumiklab ang sunog sa Camaligan Camarines Sur nitong bagong taon.

Pagmamay-ari ito ng 36-anyos na mister na si Rafael Zuela Jr. ng Zone 2 ng Brgy. Tarosanan.

Ayon sa ulat ng Camaligan MPS, bandang alas 12:50 ng umaga nitong Enero 1 nang makatanggap sila ng tawag at agad namang pinuntahan ang lugar at nakipagtulungan na rin sa BFP Camaligan.

Read More:  Kabankalan to host first-ever night run, half marathon on July 26

Sinabi pa sa Brigada News FM Naga ni SFO3 Romel Baduya ng Bureau of Fire Protection o BFP Camaligan na habang walang tao sa naturang bahay, ang paggamit ng lumang Christmas Light ang dahilan ng pagkasunog,  matagal na rin na umiilaw upang maliwanag parin ang bahay kahit walang tao, wala namang nasaktan na mga kapitbahay o residente sa lugar.

Read More:  2 men killed, 2 women injured in Cotabato City ambush

Bandang ala 1:20 naman ng madaling araw ng tuluyan ng maapula ang sunog.