Kapitan at Tanod sugatan sa pamamaril sa Cotabato City

Kapwa nagtamo ng sugat mula sa 45 caliber pistol at M16 sina Rosary Heights 5 Barangay chairman Amil Sula at ang tanod nitong si Abner Ampuan sa nangyaring pamamaril kagabi sa lungsod.

Ayon kay Police Major Rustom Pastolero, hepe ng City PNP Station # 2, nasa loob ng moske sina Kapitan Sula at Barangay Tanod Ampuan ng lapitan ng dalawang lalake at pinaputukan ng maraming beses.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Matapos ang krimen ay naglakad lamang ang dalawa mula sa second street ng Don E Sero Street patungo sa 1st street kung saan doon nakaantay ang dalawa pang kasamahan ng mga suspek saka tumakas gamit ang motorsiklo.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa pagtungo at pag-iimbestiga ng SOCO sa pinangyarihan ng krimen, narekober nila ang labing apat na basyo ng bala mula sa 45 caliber pistol at isang pitong basyo naman mula sa 5.56mm o M16 armalite riffle.

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.