Wala umanong dapat ikabahala sa bahagyang pagbaba ng satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque matapos bumaba sa 75% ang rating ng Pangulo kumpara sa 84% noong November 2020.
Paliwanag naman ni Roque kung tutuusin mataas pa rin ang ratings na nakukuha ng Pangulo.
Sinabi ng kalihim na wala naman umanong pangulo ang hindi bumaba ang trust at satisfaction ratings habang papalapit ang halalan..
Natural lamang umano ito dahil sa panahon ng eleksyon ay humahanap ang mga kandidato ng paraan para bumaba ang ratings ng administrasyon para manalo.
