Bagyong ‘Luis’ bahagyang lumakas habang palabas ng PAR

Itinaas na sa Tropical Storm category ang bagyong “LUIS” na nasa 1,075 km East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin papalo sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 km/h.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Kumikilos ito pahilaga sa bilis na 20 km/h.

Samantala, binabantayn din ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa 335 km East ng Guiuan, Eastern Samar .

Dahil sa LPA asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Silangang Visayas, Caraga, at Bohol.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunder storms.