Bagyong ‘Inday’ bahagyang humina habang nanatili sa Philippine sea

Bahagyang humina ang Bagyong “INDAY” na huling namataan sa 415 km Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 155 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 km/h.

Read More:  House prosecution: ‘typo’ issue won’t erase evidence against VP Sara Duterte

Patuloy itong kumikilos pa-Hilagang Hilagang Kanluran sa bilis na 10 km/h.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa trough ng bagyong Inday at localized thunderstorm.

Read More:  NBI witness says VP Sara Duterte skipped threat probe, sent lawyer instead

Pinag-iingat pa rin ang mga residente sa posibleng mga flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkidlat-pagkulog at ulan.