Health expert, umaasang mapapataas ng special Covid-19 vaccination ang booster coverage

Umaasa ang pediatric infectious disease expert, na mapapataas ng special vaccination days ngayong buwan ang Covid-19 vaccination coverage sa bansa, lalo na para sa booster shot.

Mababatid na inanunsyo ng Department of Health (DOH) na magsasagawa sila ang special vaccination drive sa buong bansa sa Sept. 26 to 30.

Ayon kay Dr. Anna Lisa Ong-Lim, pediatric infectious diseases expert ng University of the Philippines–Philippine General Hospital (UP-PGH) na ang advantage ng pagtatalaga ng vaccination days, ay nakakatulong ito na makuha ang atensyon ng target vaccine.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Hindi rin umano ito naiiba sa tinatawag na supplemental immunization activities na kanilang ginagawa bilang bahagi ng National Immunization Program para sa mga bata.

Read More:  Senate court targets VP Sara confidential funds issue before August

Hinimok naman ni Ong-Lim ang gobyerno na i-highlight ang kahalagahan ng pagpapa-booster shots.

Batay sa national COVID-19 vaccination dashboard ng DOH, nasa 18.5 million Filipinos palang ang nakakatanggap ng kanilang booster shots as of September 9, na malayong-malayo pa mula sa 72.7 million Filipinos na ngayon ay fully vaccinated laban sa COVID-19.