Bagyong Henry humina nasa typhoon category nalang

Patuloy ang paghina ng bagyong Henry habang nanatiling stationary ang paggalaw nito sa layong 395 km East Northeast ng Basco, Batanes.

Unang ibinaba ng PAGASA mula ‘supertyphoon’ papuntang ‘typhoon’ category ang bagyong Henry matapos na humina ang lakas nitong hangin sa 175 kph malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 215 kph.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa kabila nito nanatili naman sa signal no. 1 ang Batanes, Babuyan Islands, at northeastern portion ng mainland Cagayan.

Dahil sa bagyong asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na sa Batanes at Babuyan Islands.

Read More:  Minority bloc calls for Cayetano’s resignation

Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay posible ang malakas na pag-ulan sa Ilocos Norte, Apayao, at Cagayan.

Sa forecast ng PAGASA inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Henry sa Sabado ng gabi o kaya ay sa umaga ng Linggo.