Muling lumakas ang taglay na hangin ng Tropical Storm Enteng habang ito’y nasa katubigang bahagi ng kanluran ng Ilocos Norte.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 100 kilometro kanlurang timogkanluran ng Laoag City sa Ilocos Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 85 kilometro kada oras; at bugsong aabot ng 105 kilometers per hour.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 2 sa western portion ng Ilocos Norte at northern portion ng Ilocos Sur.
Signal no. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, northern portion ng La Union, Apayao, Kalinga, Abra, western portion ng Mountain Province, northern portion ng Benguet at western section ng Cagayan kabilang ang Fuga at Dalupiri Islands.
Posible pa itong lumakas sa susunod na dose oras at umakyat bilang isang ganap na severe tropical storm.
Inaasahan namang lalabas na ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility, bukas ng umaga.