Search and retrieval operations sa apat na nawawala sa Brgy. San Luis, Antipolo City, nagpapatuloy

Patuloy ang search and retrieval operations ng mga rescuers sa Sitio Banaba, Barangay San Luis sa Antipolo, Rizal kung saan apat na residente sa lugar ang nawala matapos silang tangayin ng baha kasama ang kanilang bahay dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Enteng.

Kabilang sa apat na nawawala sina Catherine Negro, 26 na taong gulang, Rey Ondes, 28 taong gulang, Josrien Ondes, walong taong gulang, at Bernadette Arguilles, 55 taong gulang, at lahat ng ito ay miyembro ng isang pamilya.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Kwento ng nakaligtas na si Carlos Ondes, bandang alas nuebe ng umaga ng bumili siya ng kape pero pagbalik nito ay wala na raw ang kanilang tirahan matapos anurin ng rumaragasang tubig.

Tulong tulong na ngayon ang mga tauhan ng PNP, Bureau of Fire Protection, gayundin ang mga rescuers mula sa Barangay para mabilis na mahanap ang katawan ng apat na nawawala.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Medyo pahirapan pa rin at malaking hamon ang paghahanap dahil pa rin sa masamang panahon dulot ng bagyong Enteng, pati na rin ang mga debris gaya ng malalaking bato, makakapal na putik, at mga sanga ng puno.