Patuloy pang lumalakas ang Typhoon CarinaPH habang papunta sa Taiwan.
Sa 11am bulletin ng PAGASA – huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 345 kilometro, hilaga-hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 165 kilometro kada oras; at bugsong aabot ng hanggang 205 kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong pa-hilaga hilagangkanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Batanes.
Signal No. 1 naman ang nakataas sa Babuyan Islands, northern portion ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Santa Ana, Gonzaga), at northern portion ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Pagudpud, Dumalneg, Adams).
Patuloy pa ring pinalalakas ng Bagyong Carina ang umiiral na Hanging Habagat.
Inaasahang bukas ng umaga lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo.
Samantala, nagpakawala na ng tubig ang dalawang malalaking dam sa Luzon.
Kabilang na rito ang Ipo at Binga Dam.
Ayon sa PAGASA, 61 cms ang ilalabas na tubig sa Ipo Dam habang sa Binga Dam naman ay 27 cms.