Buntis, at 3 menor de edad – patay sa landslide sa kasagsagan ng pagbayo ng Bagyong CarinaPH sa Agoncillo, Batangas

Patay ang limang indibidwal kabilang na ang apat na magkakapamilya sa Agoncillo, Batangas dahil sa hagupit ng habagat na pinalakas ng ni Bagyong #CarinaPH.

Kinumpirma yan sa Brigada Batangas ni Agoncillo Public Information Officer Christian Luya na mayroong apat nga na nasawi sa brgy. Subic Ilaya dahil sa landslide.

Read More:  Palace slams VP Sara’s Marcos cha-cha claim as ‘fake news’

Ayong pa kay Luya, kabilang sa mga nasawi ang tatlong menor de edad at isang 28-anyos na buntis.

Sa panayam din ng Brigada Batangas sa kaanak ng mga nasawing biktima, umaga na nila napag-alaman na natabunan ng lupa ang bahay kung saan naroroon ang mag iina.

Read More:  Cayetano vows ‘forthwith’ action on VP Sara impeachment

Sa ngayon ay patuloy din ang pagkalap ng impormasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Batangas sa pagkakakilanlan ng isa pang nasawing biktima.

Samantala, kasalukuyan ng nasa morgue na ang mga nasawing biktima.