Bagyong Amang bahagyang bumagal, signal no. 1 nakataas pa rin sa ilang lugar

Bahagyang bumagal at humina ang bagyong Amang habang papalapit sa kalupaan.

Ayon sa PAGASA mula sa 55 kph nasa 45 kph na lamang ang taglay na lakas nito at may pagbugsong 60km per hour.

Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa 35 km West Southwest ng Virac, Catanduanes.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sa kabila nito nakataas pa rin ang signal no. 1 sa mga probinsiya ng Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Ticao Island, Burias Island, eastern portion ng Laguna, Aurora, Quezon, at eastern portion ng Rizal.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Malaki naman ang posibilidad na maging isang low pressure area na lamang ito kapag lumapit sa kalupaan bukas subalit magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.