Bagyong Agaton nanatiling mabagal, apat na lugar nasa signal no. 2 pa rin

Nananatiling mabagal ang pagkilos ng bagyong Agaton sa bahagi ng Eastern Visayas huling namataan ang sentro nito sa coastal areas ng Tanauan, Leyte.

Taglay nito ang lakas ng hangin 65 km/h malapit sa gitna, at pagbugsong umaabot sa 90 kph.

Read More:  Imee Marcos questions President’s ‘don’t panic’ remark

Dahil dito nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa:

• southern portion ng Eastern Samar
• southern portion ng Samar
• Biliran
• northern portion ng Leyte

TCWS No. 1 naman ang nakataas sa mga sumusunod:

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

• southern portion ng Masbate
• nalalabing bahagi ng Eastern Samar
• nalalabing bahagi ng Samar
• Northern Samar
• nalalabing bahagi ng Leyte
• Southern Leyte

• northeastern portion ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Island
• eastern portion ng Bohol
• Surigao del Norte
• Dinagat Islands