Rep. Lagman, kampanteng lulusot ang inihain niyang Divorce bill sa gitna ng pagiging malamig dito ni SP Escudero

Nakatakdang makipagpulong si Liberal Party President Rep. Edcel Lagman kay Senate President Chiz Escudero.

Ito ay tungkol umano sa mga detalye ng Divorce Bill, at ang kasalukuyang mga probisyon sa Family Code.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Lagman, sinabi nitong hindi pa ulit nila napag-uusapan ni Escudero ang naturang panukala.

Matatandaang una nang sinabi ng SP na mas isinusulong niya ang annulment.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa kabila niyan, umaasa ang Kongresista na mareresolba pa rin naman ang pananaw ng mga mambabatas.

Sa huli, naging kumpyansa si Lagman na makalulusot pa rin ang Divorce bill kahit tila malamig si Sen. Escudero dito.