Mas pinagbuting e-Travel System, inilunsad na

Tiniyak ng pamahalaan ang mas efficient at secure na travel experience para sa lahat ng mga travelers at ccrew members sa tulong na paglulunsad ng mas pinabuting e-Travel System.

Sa isang pahayag, sinabi ng BOC-Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kasama sa system ang generation ng single QR code para sa isang pasaherong may requirements ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Department of Migrant Workers, at Department of Tourism.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ito ay upang mas maging madali umano ang clearance process, at ma-minimize ang waiting time, at maiwasan na ang napakaraming forms at checkpoints.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Isa pa sa key feature nito ay ang seaport o cruise form na nagsi-simplify at nagpapabilis naman ng registration process sa seaports at cruise terminals.

Sa tulong umano ng mga improvement na ito, magiging mas convenient na proseso para sa mga travelers.