Bagong simula bilang Kristiyano – ibinahagi ni Catriona Gray

Ibinahagi ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanyang bagong simula bilang isang Kristiyano.

Makikita sa kaniyang Instagram post ang larawan ng kanyang baptismal ceremony kasama ang Favor Church, isang Christian community sa Maynila.

Read More:  Claudine Barretto files cyber libel complaint against Cristy Fermin, Romel Chika

Sa kanyang caption, sinabi niyang sobrang fulfilling na ideklara sa publiko ang kanyang pananampalataya.

Nabinyagan daw siya noong siya ay baby pa, at nais niyang gawin ang step na ito ngayon bilang adult.

Read More:  Baby Dolls’ Juby Sabino draws backlash from Donny Pangilinan fans over intimate dream remarks

Sa huli, lubos siyang nagpasalamat sa komunidad at pamilya na mayroon siya sa Favor Church.

Sinabi rin niyang ‘Thank you God for never ceasing in the pursuit of my heart.’ (Justine Jumarang – Brigada News Intern)