Bagong RCPC building, binuksan na

KORONADAL CITY- BINUKSAN na ang bagong opisina at laboratoryo ng Regional Crop Protection Center o RCPC Region 12 sa Tacurong City, Sultan Kudarat. Ito ay pinondohan ng P 5.7 million.

Ang soft opening ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng Department of Agriculture o DA 12, mga LGU officials at mga farmer groups.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Sa pamamagitan ng Regional Crop Protection Center, mapapalakas ang produksyon ng rehiyon ng mga biocontrol agents katulad ng trichogramma at trichoderma at upang matulungan ang mga magsasaka na mapaigting ang kanilang harvest sa tulong ng mga safe at efficient control methods laban sa peste at mga sakit sa tanim.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026