CAMARINES SUR- Huwag na munang tumuloy ang mg apauwi sa North Coastal ng Lagonoy, Camarines Sur pati coastal ng Garchitorena na daraan sa Tambang Port.
Ito ang sinabi sa Brigada New FM Naga ni CGSN2nd Sandy Sandrino, aniya kaninang umaga walan bumiyaheng pampasaherong bangka, wala ring lantsa. Tanging ang mga malapit lamanhga Barangay Tambang ang nakadaong. Sa update ng PAGASA kaninang umaga hindi kasama ang Camarines Sur sa may Gale Warning.
Ibinahagi naman sa BNFM Naga ni Kagawad, Captain Elect Divine Cledera ng San Isidro North Lagonoy, nabali na ang katig ng kanilang bangka sa lakas ng hampas ng alon. Pabugso-bugso rin ang pag-uulan. Tuloy ang monitoring sa posibleng epekto ng Shearline, Amihan at dalawang Low Pressure Area.