Bagong pinuno ng 5th ID binisita ang Valiant Troopers

Binisita ni MGEN GULLIVER L SEÑIRES, Commander ng 5th Infantry “Star” Division, Philippine Army ang 501st Infantry “Valiant” Brigade na pinamumunuan ni BGEN FERDINAND MELCHOR C DELA CRUZ PA.

Sa kaniyang pagaharap sa mga kasundaluhan , binigyang diin ng nasabing opisyal ang tatlong aspeto ng kaniyang Command Philosophy na kinakailangang sundin habang siya ang pinuno ng 5th ID.

Pinaalalahanan din nito ang mga startroopers na laging maging handa sa pagdepensa sa bansa sa anumang bantang panseguridad.

Matatandaan na pinalitan ni MGEN GULLIVER L SEÑIRES si MGEN AUDREY L PASIA PA (RET) noong June 28 bilang ika -33rd commander ng 5th ID at siya ay miyembro ng Philippine Military Academy “Tanglaw Diwa” Class of 1992.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *