KORONADAL CITY – MAS mapapabilis at mapapabuti pa ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga taga SOCCSKSARGEN Region matapos na inagurahan na ang bagong opisina ng Commission on Population and Development Regional Office XII na nasa likod ng News City Hall Building. Ang nasabing opisina ay may lapad na 500 square meter lot at nagkakahalaga ng P20-Million kung saan pinangunahan naman ni City Mayor Atty. Eliordo U. Ogena, kaupod sina Usec. Lisa Grace S. Bersales, at CPD XII Regional Director Desiree Concepcion U. Garganian ang seremonya ng ribbon cutting. Inaasahan na sa unang lingo ng Hunyo ang pagsisimula ng operasyon ng Commission on Population and Development Regional Office XII o CPD office. Sa mpamamagitan nito, mas mapapaibayo rin umano ang kanilang pakikipagtulungan sa mga concerned government agency dahil mayroon na ang mga itong pasilidad na siyang haharap sa mga kinakailangan ng ilang mga indibidwal. Patuloy din ang kanilang programa lalo na ang pagtutok sa teenage pregnancy gayundin ang pagtukoy sa mga lugar at komunidad na nangangailangan ng tulong maliban sa pinansiyal na aspeto.
