SORSOGON CITY – Arestado sa inilunsad na search warrnt operations ng pinagsanib na puwersa ng awtoridad ang isang bagong miyembro ng Giray drug group sa Sorsogon.
Nahuli ang suspek na kinilalang si Allan Gallon Sarmiento, 38 anyos sa Brgy. San Isidro ng nasabing bayan.
Kabilang ang suspek sa listahan ng Provincial Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs.
Sa bisa ng isang search warrant isinagawa ng mga operatiba ng pulis at army ang pag-aresto sa nasabing suspetsado.
Nasamsam ang isang kalibre 38 na revolver na kargado ng 5 bala at 3 piraso ng heat sealed transparent sachet ng hinihinalang shabu.
Kalaboso na ito at nasa pangangalaga naman ng Irosin MPS ang mga nakumpiskang ebidensya.
