Naglabas na ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region III ng kautusan hinggil sa effectivity ng bagong minimum wage sa Central Luzon.
Simula June 20 ay epektibo na ang karagdagang sahod sa arawan ng mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ngayong Hunyo ay idadagdag na ang unang tranch na 30-pesos habang sa January 2023 ay ang ikalawang tranch na 10-pesos.
Alinsunod sa kautusan, tataas na sa 450 ang minimum wage sa rehiyon maliban sa Aurora para sa non-agriculture establishments na sampo o higit pang manggagawa habang 443 naman sa mababa sa sampong manggagawa.
Sa agriculture establishments, ang mga plantation workers ay makakatanggap ng arawang 420 habang 404 sa mga non-plantation.
Sa retail/service establishments, ang mga mayroong 10 o higit pang manggagawa ay aakyat ng 439 habang 425 naman kung mas mababa sa sampo.
Samantala, sa Aurora ang bagong minimum wage rate para sa non-agricultural workers ay 399, sa plantation workers 384 at 372 para sa non-plantation workers habang nasa retail and service establishments ay may daily minimum wage na 334.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
