Kinumpirma ng Philippine Navy na may namonitor silang 2 People’s Liberation Army Navy vessels kasabay ng isinagawang Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa West Philippine Sea.
Ayon kay Navy Spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, namataan ang 2 PLA Navy warships 5 hanggang 8 nautical miles mula sa bisinidad ng isinagawang exercise.
Hindi naman daw nag-interfere ang mga barkong ito ng China sa isinagawang aktibidad.
Maalaalang hindi lang ito ang MCA na may namonitor na Chinese vessels ang Navy.
Sa kabila nito sinabi ni Trinidad na hindi ito nakakaalarma pero “dubious” o kaduda-duda ang kanilang presensiya.