Bagong disenyo ng sanlibong-piso inilabas ng BSP

Inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong disenyo ng sanlibong piso (1000 peso bill).

Dinesensyo umano ito ng BSP at aprubado ng National Historical Institute.

Read More:  NBI says Senate shooting suspect was only volunteer

Kapansin-pansin naman sa bagong design na wala na ang tatlong tao na sina José Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes Escoda sa halip makikita dito ang mukha ng isang agila.

Halos wala namang nagbago sa likod nito at nakaguhit pa rin ang mapa ng Pilipinas, Tubbataha reef at South sea Pearl na tinaguriang pinakamahal na perlas sa mundo.

Read More:  Palace slams VP Sara’s Marcos cha-cha claim as ‘fake news’

Aprubado na rin ng Monetary Board at Office of the President ang issuance ng naturang salapi.