LEGAZPI CITY – Ikinatutuwa ngayon ng mga empleyado ng Gobyerno ng Local Government Unit (LGU) Oas, Albay na napabilang sa Top 10 na collection efficiency ng Locally source revenue sa taon 2020.
Nasa ikatlong pwesto ang nasabing bayan kung saan nakuha nito ang 311.1% collection efficiency.
Tanging ang Oas lamang ang nasa top ten na kinabibilangan ng bayan ng Alilem Ilocos Sur, Kauswagan Lanao Del Norte, Dingle Iloilo, San Ildefonso Bulacan, Languyan Tawi Tawi, Maassim Sarangani, Madridejos Cebu, Buenavista Bohol, at bayan ng Trinidad Bohol.