Bagong buying price ng NFA, nakatakdang ipatupad

Hinihintay na lamang ng National Food Authority ang mga panuntunan sa ipapatupad na bagong buying price sa palay.

Matatandaan na sa bagong inaprubahan ng NFA Council, bibilhin nila ang malinis at tuyong palay sa halagang 23 hanggang 30 pesos mula sa dating 19 hanggang 23 pesos habang ang sariwa ay 19 hanggang 23 pesos kada kilo mula sa dating 16 hanggang 19 pesos.

Kaugnay nito ,pinayuhan ng National Food Authority ang mga magsasaka sa rehiyon na ibilad at ihanda ang kanilang aning palay upang makuha ang pinakamataas na presyo sa bagong flexi-pricing scheme ng ahensiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *