Backtracking sa pinakamalaking huli ng droga sa Batangas, isinasagawa na ng PNP

Nagsasagawa na ng back tracking ang Philippine National Police para malaman kung paano nakapasok at saan idinaan ang pinakamalaking huli ng droga sa kasaysayan ng law enforcement operation sa checkpoint sa Alitagtag, Batangas.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, isa aniya sa tinitingnan ng PNP sa ngayon ay ang paggamit ng yate para maipasok ito sa coastal waters ng Batangas.

at para ito’y ma-validate, sabi ni Fajardo may mga kinakausap na silang mga indibidwal tungkol dito.

Patuloy din iniimbestigahan ng PNP ang grupong nasa likod nito.

Sinabi ni Col. Fajardo na malaki ang posibilidad na galing sa ibang bansa ang halos dalawang tonelada ng shabu na nasabat ng mga otoridad.

Base kasi sa markings at packaging , ay ibang-iba ang nasamsam na 13.3-billion sa mga regular na nahuhuling illegal drugs.

Samantala, sasampahan ng reklamo ang suspek na driver ng ban na nakumpikahan ng iligal na droga dahil sa paglabag sa Section 5, Article 2 ng RA 9165.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *