Anti-Wang Wang Bill, inihain sa Senado

Pormal nang inihain sa Senado ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Senate Bill No. 2635.

Layunin ng nasabing resolusyon na pagbawalan ang indiscriminate use ng beacon, wangwang at iba pang emergency vehicle lights at maging audio accessories sa mga motor vehicles.

Read More:  CIDG summons Sen. Bato over alleged EJK cases

Ito ay alinsunod sa inilabas na Administrative Order No. 18 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinagbabawalan ang mga government officials at personnel na gumamit ng wangwang, dome lights, blinkers at iba pang kaparehong signaling at flashing devices.

Ayon kay Villanueva, bagamat may mga nauna ng itinakdang patakaran ang Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nakapagdudulot lang umano ito ng kalituhan na siyang dahilan ng di epektibong pagpapatupad ng batas tungkol dito.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Kaugnay nito, tiwala ang senador na makakatulong ang pagsasabatas nito upang maresolba ito.