Senador, tiniyak na ligtas at mabilis na makakauwi ang 4 na Pinoy na kinubkob ng Iran

Tiniyak ni Senate Committee on Migrant Workers, Chairperson, Senator Raffy Tulfo na patuloy siyang naka-monitor at nakikipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW).

Ito ay upang mapauwi nang mabilis at ligtas sa bansa ang apat na marinong kabilang sa hinuli ng Iran authorities malapit sa Strait of Hormuz.

Ayon kay Tulfo, sa kasalukuyan, in close contact na ang DFA at DMW sa pamilya ng mga marino at sa manning agency.

Pagpapaliwanag niya, sa mga ganitong insidente ay responsibilidad ng mga manning agency na makapagsumite ng opisyal na ulat sa loob ng limang araw ukol sa pangyayari.

Samantala, ayon sa inilabas na press release ng DMW, nais na nitong italaga bilang high-risk area ang Strait of Hormuz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *