Backrider sa naganap na aksidente sa Lucban, binawian agad ng buhay

Patay ang isang backrider habang sugatan naman ang driver matapos sumalpok sa poste ng solar lights ang sinasakyang motor ng mga ito sa Barangay Tiawe, Lucban, Quezon nitong Sabado

Base sa report, binabagtas umano noon ng motor na minamaneho ni alyas “John” ang direksyon patungo sa bayan ng Lucban nang mawalan umano ito ng kontrol sa manibela at sumalpok sa nasabing poste.

Agarang binawian ng buhay ang backrider, bagay na kinumpirma ng Lucban MPS.

Sa panayam ng Brigada News FM Lucena sa Lucban MPS, naging dahilan nito ay ang pagkawala umano ng masyadong maraming dugo dulot ng pagkaka-aksidente habang naghihintay na mai-transfer ang biktima mula sa MMG Lucban patungong Quezon Medical Center.

Kaugnay nito, kasalukuyan namang nagpapagaling ang drayber ng motorsiklo sa QMC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *