Magsasaka na tulak ng droga, arestado sa Nueva Vizcaya

Timbog ang isang Street Level Individual sa ikinasang drug buy bust operation kahapon sa Purok 5, Brgy. Sto. Domingo, Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek sa alyas RUDY, 43 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Ikinasa ang operasyon ng mga kapulisan ng Bambang Police Station katuwang ang PDEU-NV na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nabentahan ni alyas Rudy ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer at nakuha sa isinagawang operasyon ang iba’t ibang drug paraphernalia at non-drug-related items.

Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka sa mga nakumpiskang ebidensiya sa lugar kung saan nahuli ang suspek na ngayon ay nasa pag iingat na ng Bambang Police Station .

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *