142 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Bicol

BICOL—Pumapalo na sa 25,198 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na madagdagan ng panibagong 142 ngayong araw.

70 sa mga bagong kasong ito ay mula sa Camarines Sur kung saan 17 ang naitala sa Naga City, tig-anim ang bayan ng Pasacao at Tigaon, lima sa bayan ng Cabuaso, tig-aapat ang mga bayan ng Baao, San Fernando, San Jose at Sipocot, tatlo sa bayan ng Pili at Ragay, tigdadalawa ang mga bayan ng Calabanga, Goa at Milaor at tig-iisa ang mga bayan ng Del Gallego, Minalabac, Nabua, Ocampo, Pamplona, Sangay at lungsod ng Iriga.

41 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan 24 nito ay mula sa Sorsogon City, lima sa bayan ng Donsol, tigtatatlo ang mga bayan ng Casiguran, Gubat at Juban, dalawa sa Castilla at isa sa Bulan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang Albay ay may 15 bagong kaso kung saan walo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, tatlo sa bayan ng Daraga at tig-iisa ang mga bayan ng Guinobatan, Libon, Oas at lungsod ng Ligao.

Siyam na kaso naman ang nadagdag sa Camarines Norte kung saan pito nito ay mula sa bayan ng Daet at dalawa sa bayan ng Talisay.

Limang kaso ang naitala sa Masbate, mula sa mga bayan ng Baleno, Esperanza, Mobo, San Pascual at Masbate City.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang Catanduanes ay may dalawang bagong kaso na mula sa mga bayan ng Viga at Virac.

Samantala, pumalo na rin sa 20,004 ang total recoveries matapos na madagdagan ng panibagong 15 kung saan 11 nito ay mula sa Sorsogon, tatlo sa Catanduanes at isa sa Camarines Norte.

Pumalo na rin sa 948 ang death toll matapos madagdagan ng anim na panibagong nasawi kung saan apat nito ay mula sa Camarines Sur at dalawa naman ang naitala sa Naga City.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm